Minsan isang gabi, naglalakad ako sa kahabaan ng Araneta Centre ng maisipan ko bigla ang isang bagay. Parang gusto kong makipagsuntukan.

Wala lang. Ang tagal ko na kayang walang nakakaaway ng pisikal. Nung huling away ko pa eh tumakbo yung kaaway ko. Maliit kasi ako tapos malaki siya, pero may dala akong pantusok. Hehe

Gusto ko lang ng kasuntukan. Minsan sa buhay natin, mararamdaman natin na parang punung puno na tayo ng frustration at sama ng loob na parang gusto na lang natin matuwa habang nakikita nating nasisira ang isang bagay. Kaya mag taksyapo, kaya may mga nag aamok, kaya may mga nanghahabol ng itak. Kaya nauso ang violent expression.

Feeling ko umaabot ako sa ganung punto minsan. Yung puno ka ng lahat ng frustration at gusto mo ilabas. Ayoko namang magwasak ng gamit kasi binibili ang gamit. Eh ang tao, pag sinapak mo, gagaling din naman ng kusa yung mga sugat nya. Haha. Makes sense.