Kung sana wala na lang hanggan ang pag iisa. Lahat sana tayo walang problema.

Minsan isang gabi, naglalakad ako sa kahabaan ng Araneta Centre ng maisipan ko bigla ang isang bagay. Parang gusto kong makipagsuntukan.

Wala lang. Ang tagal ko na kayang walang nakakaaway ng pisikal. Nung huling away ko pa eh tumakbo yung kaaway ko. Maliit kasi ako tapos malaki siya, pero may dala akong pantusok. Hehe

Gusto ko lang ng kasuntukan. Minsan sa buhay natin, mararamdaman natin na parang punung puno na tayo ng frustration at sama ng loob na parang gusto na lang natin matuwa habang nakikita nating nasisira ang isang bagay. Kaya mag taksyapo, kaya may mga nag aamok, kaya may mga nanghahabol ng itak. Kaya nauso ang violent expression.

Feeling ko umaabot ako sa ganung punto minsan. Yung puno ka ng lahat ng frustration at gusto mo ilabas. Ayoko namang magwasak ng gamit kasi binibili ang gamit. Eh ang tao, pag sinapak mo, gagaling din naman ng kusa yung mga sugat nya. Haha. Makes sense.

Hello.

Sa hinaba haba ng panahon kong nagbablog, ngayon lang ako pormal na magbablog dito sa WordPress. Sabi ko noon sa sarili ko, hindi ako mabubuhay sa WordPress kasi parang tahanan ito ng mga taong may sense ang sinasabi sa buhay — alam mo na, yung mga tipong nakakaubos ng galong galon ng kape para makatapos magsulat o magbasa ng libro. Mga tipo ni Sparks o ni ano, kuwelyo ba yun?

Ano ba ang normal dito? Sa Tumblr kasi parang bahala ka na. Kahit magpost ata ako ng porn pumping scene na gif eh wala namang papansin. Pero di ko pa naman nagagawa. Dito sa WordPress eh feeling ko magsashutdown magisa ang computer ko sa kahihiyan pag ginawa ko yun.

Pero magsusulat na nga lang ako. Sa sobrang dami kong sinasabi, nakagawa ako ng isang buong blog entry na tungkol lang sa pagmamigrate ko sa WordPress. Haha. Nakakatawa talaga ako. Buti na lang sensible ako.

Hello at maligayang pagbasa. Maghanda ng sitsirya kasi marami tayong pagkukwentuhan.